BORN IN ZION COMMUNITY CHURCH
  • Home
  • About
    • About
    • Statement of Faith
    • Vision of Zion
  • Ministries
  • Building
  • UPDATES
  • Resources
    • Children >
      • VBS >
        • ZION AIR: Now Boarding
        • KIDVENTURE to the Golden City
        • Level Up
        • Come Up Higher
      • Crafts
      • Games
      • Room Decoration
      • Songs
    • Watch
    • Read
  • Music
    • Praise & Worship Songs
    • Bible Action Songs for Kids
  • Give
  • Contact

When People Willingly Offer Themselves

1/19/2020

0 Comments

 
When People Willingly Offer Themselves

“When leaders lead in Israel, when the people willingly offer themselves, Bless the Lord!
Judges 5:2
 
Ptr. Aaron Abisado
19 January 2020
 
Ang Judges 5:2 ay bahagi ng awit ni Deborah na isang hukom. When leaders lead and when the people willingly offered themselves, the Lord starts to move.
 
Deborah led the people when the Israelites had no kings. This was approximately 300 years before Solomon. The Lord wanted to rule the people Himself. Before Deborah and the judges, Joshua led the Israelites inside the Promised Land and they did His will. They conquered the people living there as the Lord said.
 
But during the time of the judges including Deborah’s, the people were lazy. Nagtatamad-tamaran na ang mga tao. At maraming taon na ang mga Israelita ay natatalo at natatalo ng kanilang mga kaaway. Sila rin naman ang may kagagawan. The Lord told the Israelites years before to conquer those in the Promised Land while these enemies were incapable of conquering them. But they did not obey Him. By the time of the judges, the enemies were stronger than the Israelites.
 
Parang ating mga kasalanan, ating mga adiksyon. Addiction is too weak until it is too strong to be conquered. Akala ng mga Israelita sila ay palaging mas malakas sa kaaway, pero sila pala ay humihina na kumpara sa kanila. Ang mga kalaban na ito – Canaanites, Jebusites, etc – ay naging tinik sa kanila.
 
Nung panahon ng mga hukom, “ginawa ng mga tao kung ano ang tingin nila ay tama.” At kadalasan ang mga gawang ito ay mali, ay mga kasalanan. Makikita natin na ang mga Israelita ay nagpaikot-ikot sa ilang. At pagpasok nila sa Lupang Pangako, paikot ikot pa din sila. Sila ay pasasaganain ng Panginoon. Tapos sila ay magkakasala. Sila ay makakaranas ng mga paghihirap. Sila ay hihingi ng tawad at iiyak sa Panginoon. Pagkatapos ay magpapadala ng Diyos ng mga hukom at sila ay ililigtas ng Diyos mula sa kanilang kaaway, mula sa mga mananakop. Sila ay sasagana. At sila ay muling magkakasala. Ito ay ilang ulit. Ito ay dahil ang lahat ng tao ay ginagawa kung ano sa tingin nya ay tama.
 
Minsan ang pagpapala ng Panginoon ay nagiging sumpa. Kasi minsan kung kalian tayo ay sumagana na, tayo naman ay nakalimot na sa Diyos. At dahil doon, ang pagpapala Nya ay nagiging malungkot.
 
Nung panahon ni Deborah, ang kaaway at mananakop ng mga Israelita ay mga Canaanites. Ang mga ito ay nananakop pag panahon ng anihan. Ang kwento ni Deborah ay nasa Judges 4:1-7
 
Inutusan ni Deborah si Barak na lipulin ang kalaban. Sinagot sya ni Barak na “if you will go with me, then I will go; if you will not, then I will not go.” Makikita natin na maganda ang attitude ni Barak dito. Para syang si Moses na nagsabing “if Your presence will not go with us, then I will not go” (Exodus 33:15). Kung ang pinapagawa o pinapapuntahan sa atin ng Diyos ay ang kalooban Nya, makatitiyak tayo na Sya ay kasama natin. Nais natin bigyan ng importansya ang Panginoon sa araw araw ng ating buhay.
 
Makikita sa Judges 4:8-9, “And Barak said to her, “If you will go with me, then I will go; but if you will not go with me, I will not go!”So she said, “I will surely go with you; nevertheless there will be no glory for you in the journey you are taking, for the Lord will sell Sisera into the hand of a woman.” Then Deborah arose and went with Barak to Kedesh.”
 
 
Sinabi ni Deborah na sasama sya pero hindi mapupunta kay Barak ang kapurihan. Pinili ng Panginoon na hindi ibigay sa isang lalaki ang karangalan, ibinigay nya ito sa isang babae. Para walang makapagsabi na si Barak ang dahilan ng tagumpay. Sinasabi sa 1 Corinthians 1:27 “Pinili ng Diyos ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain nya ang mga marurunong, at pinili ng Dyos ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan upang hiyain nya ang mga bahay na malalakas.”
 
Huwag nawa natin masabi na “lahat ng ito ay pinaghirapan ko.” Dahil kung ito ang ating pananaw ay doon na magtatapos ang karangalan na yun. Maging mapagkumbaba tayo. Nawa sa ating buhay, ang pangalan lang ng Panginoon ang maitaas. Maihahalintulad nawa tayo sa 300 ni Gideon: nasa Panginoon ang lahat ng kapurihan.
 
Napakagandang isipin na “people willingly offered themselves.” Sa puntong ito ay hindi pa kilala kung sino ang babaeng gagamitin. Pero sinabi na ng Diyos na nag qualify na ang babaeng yun. Ibig sabihin ay hindi sya sikat pero pinili na Sya na gamitin para sa ikaliligtas ng mga Israelita.
 
Ang Hebredees Islands ay isang maliit lang na isla sa Ireland. Pero nagkaroon dito ng revival sa pamamagitan ng panalangin ng 2 lola na nag commit na manalangin mula 10pm hanggang 4am. Habang sila ay nagpe pray ay nakita nila ang Psalm 24. Sino ba ang aakyat sa kaluwalhatian ng Diyos?
 
Isang gabi, mga 11pm, habang sila ay nananalangin ay may pumasok at nagsabi “the Lord has done it!” Paglabas ng pastor ay nakaabang ang 600 na tao na naga antay makapasok sa loob. Sinabi ng mga ito na may isang sayawan at habang natutuwa ang mga kabataan, ay may dumating na anghel at sila ay dinala sa church. At 4am, may dumating na pinapapunta ang pastor sa police station kasi ang mga tao ay sumisigaw ng “Lord, have mercy” at di nila alam saan pupunta.
 
Ang mga malilit, mahihina ay kayang gamitin ng Panginoon. Ang ating kusing ay kayang palaguin ng Panginoon para sa Kanyang kaharian. Yung 2 lola na yun ay mga lola ni Donald Trump.      
 
Sa Hebrees Island, walang tao sa kalye pag Linggo kasi ito ay Sabbath. Sila ay nasa church or nagpapahinga. Hindi sa lakas ng tao dumarating ang presensya ng Panginoon o ang revival. Ito ay galling sa Kanya o sa Diyos mismo.
 
Sa Judges 5:15 makikita, “And the princes of Issachar were with Deborah; as Issachar, so was Barak. Sent into the valley under his command. Among the divisions of Reuben there were great resolves of heart.”
 
Among the divisions of Reuben, there were great resolves of heart. Sa pagitan ni Barak at mga tribo ay may ilog. Sa kabila ng ilog ay naron ang Reuben. Hindi agad masakop ang tribo ng Reuben kasi nasa kabila pa sila. Pero sila ay may responsibilidad na tumulong. Sinaliksik nila ang kanilang puso, nagtalo sila, at sa huli ay pinili nilang hindi tumulong sa mga kapatid nilang Israelita.
 
Ang paghahandog sa Diyos ay walang saysay kung wala yung “kusa” (choose). Ang pilit na Kristiyano, ang pilit na pagsamba ay pagsasayang lang.
 
Ang Iron Cross ay pinakamataas na award sa Prussia (Germany). Sa panahon ni King Frederick ay may digmaan pero wala na silang armas. Hindi sya makapag timeout. Hiningi nya sa mga babae na ibigay ang kanilang mga ginto at alahas. Kapalit ng kanilang handog at bilang pasasalamat ni King Frederick, binibigyan sila ng bakal na nakasulat “I gave gold for iron.” For a businessman, it does not make sense. Why will you replace gold with something of lesser value?
 
Bakit natin ibibigay kay Kristo ang mga bagay na sa atin ay mahalaga? Bakit natin pinagpapalit sa krus ni Kristo ang ating mga “ginto”? Para sa sanglibutan, ito ay walang kabuluhan. It does not make sense. And yet the Lord says He is the most important.
 
Tayo ba ay namamatay sa ating sariling kalooban? Tayo ba ay nagsasabi “not my will, Lord, but Yours.” Krus ang kapalit nito. Hindi kayamanan ang kapalit ng pagtanggap sa Panginoon. Hindi buhay na tanyag, mataas, maalwan ang pangako ng Diyos sa atin. Ang masabi na ang aral Nya ang nasa ating buhay. Our life for the cross of Christ.
 
Nung lumusob si Barak at Deborah ay natalo si Sisera na kanilang kalaban. Dito darating si Jael. Makikita si Judges 4:17-18 na dumating si Sisera sa tolda ni Jael dahil ang asawa nito, si Heber, ay may kasunduan kay Sisera. Si Heber ay related sa mga Israelita (Kenites) pero nakipag alyansa sya sa kalaban. Sa verse 18 ay hinikayat ni Jael si Sisera na pumunta sa kanilang tolda. Tinago nya ito at binigyan ng gatas (maski tubig ang hinihingi sa kanya). Marunong si Jael. Sya ay marunong na babae na nagtatayo ng kanyang tahanan (Prov. 14:1). Alam nya ang mangyayari kung sya ay sasalungat sa Israel.
 
Sa Judges 4:20, “And he said to her, “Stand at the door of the tent, and if any man comes and inquires of you, and says, ‘Is there any man here?’ you shall say, ‘No.’”
 
Sya ay babaeng hindi mandirigma. Pero alam nya ang kalooban ng Diyos. May kanta si Deborah sa Judges 5:24. Si Jael ay parang Maria na pinagpalang babae. Both willingly offered themselves to do the will of God (see Luke 1:38).
 
Palaging may presyo sa pagsunod sa Panginoon. May halaga na kaakibat ang pagsunod sa Diyos. Hindi madali maging kristiyano araw araw. Para kay Jael, ito ang katapangan para gawin ang tama. Para kay Maria, ito ay kahihiyan na magkaroon ng anak sa labas. The Lord told of Mary, “she kept these things in her heart.” Hindi nya pinagtanggol ang kanyang sarili. Mahirap na sabihin, “Lord, ikaw na ang bahala.” When we willingly offer ourselves, we count all things as loss for the sake of knowing Jesus.
 
The gospel spread because people were willing to die for Christ. Kumalat ang mabuting balita sapagkat handang mamatay ang mga tao para sa Diyos. When we willingly offer ourselves, God starts to move.
 
When leaders lead, and when the people willingly offer themselves, bless the Lord. Nawa tayo ay mag “kusa” o willingly na magbigay ng ating sarili sa Panginoon.
0 Comments



Leave a Reply.

    Author

    Write something about yourself. No need to be fancy, just an overview.

    Archives

    January 2020

    Categories

    All

    RSS Feed

Picture
  • Home
  • About
    • About
    • Statement of Faith
    • Vision of Zion
  • Ministries
  • Building
  • UPDATES
  • Resources
    • Children >
      • VBS >
        • ZION AIR: Now Boarding
        • KIDVENTURE to the Golden City
        • Level Up
        • Come Up Higher
      • Crafts
      • Games
      • Room Decoration
      • Songs
    • Watch
    • Read
  • Music
    • Praise & Worship Songs
    • Bible Action Songs for Kids
  • Give
  • Contact